Saturday, December 4, 2010

Ang Mga Tauhan sa El filibusterismo

  • Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
  • Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
  • Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
  • Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
  • Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
  • Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
  • Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
  • Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
  • Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
  • Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
  • Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
  • Padre Florentino - ang amain ni Isagani
  • Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
  • Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
  • Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
  • Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
  • Sandoval - ang kawaning kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
  • Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
  • Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
  • Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
  • Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
  • Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
  • Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
  • Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
  • Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
  • Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
  • Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
  • Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
  • Gertrude - mang-aawit sa palabas.
  • Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
  • Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

No comments:

Post a Comment